PUNTO MINDORO | Bakod ng munisipyo, walang bakal

September 19, 2019

Kahapon, September 18, giniba ang bakod ng munisipyo ng Mamburao, Occidental Mindoro bilang pagsunod sa 15 meters clearance ng national road. At sa tipak ng semento, tawag-pansin ang kawalan ng bakal nito.

“Wala man lang kahit tusok ng kawayan”, sabi ni MPDC Elison Girao.

Diretsong patong lang ng hallow blocks at buhos ng semento.

Ilang Punong Bayan din ang dinaanan ng bakod na ito hanggang sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Mayor Lyn Tria, maaring lampas na sa tatlong dekada na ang bakod.

“Kinalakihan ko na yang bakod na yan”, aniya.

Samantala, dagdag pa ni Mayor Tria, sa pagkakagiba ng bakod, mabibigyang daan naman ang plano niya na maisaayos at mapaganda ito.

“Buti hindi pa namin nasimulan. Hinihintay pa namin yung final design ng bakod”, paliwanag niya.

__________

Leave a comment