๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐„๐‘๐ˆ๐‚ ๐‚๐Ž๐๐’๐“๐€๐๐“๐ˆ๐๐Ž: ๐๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐’๐š ๐๐š๐ ๐ฆ๐ข๐ฆ๐ข๐ง๐š ๐’๐š ๐ˆ๐ฌ๐ฅ๐š ๐๐  ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ

MAYOR ERIC CONSTANTINO

(Halaw mula sa panayam ng The Bay 99.3 FM โ€“ Mamburao kay dating Mayor Eric Constantino ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong February 7, 2022)

Nakilala si Mayor Eric A. Constantino bilang isang โ€˜environment warriorโ€™ dahil na rin sa pakikipaglaban niya at pagtutulol sa malawakang pagmimina sa lalawigan ng Occidental Mindoro kung saan nakasama niya si Cong. Josephine Sato na noon ay gobernadora ng lalawigan.

Sa panayam sa isang program sa The Bay 99.3 FM โ€“ Mamburao, naikwento ni Mayor Eric Constantino ang mga pinagdaanan nila ni Cong. Sato para sa kalikasan ng Occidental Mindoro.

โ€˜Noong 2007, yan yung panahon na Governor pa si Cong. Nene, dyan masugid nais pasukin ng pagmimina ang Occidental Mindoro. Partikular ang Abra de Ilog, kasama rin ang Sablayan, Santa Cruz, at San Jose. Maraming aplikasyon during that time at magkasama kami ni Cong. Nene. Kasama rin noong si Vice Gov. Gene Mendiola na talagang pumipigil sa pagpasok malawakang pagmimina.โ€™

Nagkaisa din aniya ang mga LGUs ng Oriental at Occidental Mindoro laban sa pagmimina.

โ€˜Buong mga local governments naman ay nagkaisa kami, pati sa Oriental Mindoro, na hindi naming papayagan na makapasok ang malawakang pagmimina. Dahil hindi para sa isla ng Mindoro ang mga gawaing ito. So doon kami nagkasama sa labanan na iyan. Of course, before that, noong mga 1998 pa ay kasama na rin namin sa paglilingkod ang Gov. Nene noon.โ€™

Para naman makumbinsi ang mga katutubo na ibenta ang kanilang lupain, ibaโ€™t ibang pamamaraan aniya ang ginawa ng mga mining companies na kanila namang nilabanan.

โ€˜During that time, ay ako Mayor sa Abra de Ilog at talagang ibig pumasok dito ng Agusan Petroleum. Yan yung San Miguel Mining noong panahon na iyon. At gumawa sila ng sari-saring pamamaraan para tanggapin sila. Para isulong yung kanilang nais mangyari, maglinang at magmina sa kabundukan natin. Hinimok, hinikayat nila yung mga katutubo. Binigyan ng mga pabuya, mga enticement.โ€™

May mga panglilinlang din silang ginawa. For a while ay napa-pirma nila ang mga kapatid nating katutubo ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC). At napakalaking hamon nilabanan at binawi natin itong napirmahan ng mga katutubo na hindi nila lubos na nauunawaan kung ano ang nilalaman ng kanilang pinirmahanโ€™, paliwanag ni Mayor Eric Constantino.

Sa proseso ng pakikipaglaban ay nagtungo din sina Mayor Eric Constantino sa opisina ng DENR sa Maynila para i-protesta ang ang inisyung ECC para mapasok ng pagmimina ang isla ng Mindoro.

โ€˜During that time, yan yung laban ng buong isla ng Mindoro, Oriental at Occidental, para sa pag-reject ng pagpasok ng Intex Mining dito sa isla ng Mindoro. At talagang nagkaisa ang lahat ng pamunuan, ang simbahan at ibaโ€™t ibang organizations, NGOs, mga IPs, na ipanawagan kay DENR Sec. Lito Atienza that time, na ikansela ang inisyung ECC (Environmental Compliance Certificate). Ito ay dahil talaga namang ang lahat ng resulta ng pag-aaral ng Environmental Impact Study ay against the environment at napaka-destructive sa kalikasan.โ€™

Pinapurihan din niya ang batas ni Cong. Sato para maging โ€˜mining-free zoneโ€™ ang isla ng Mindoro.

‘So, nila-laud ko yung House Bill ni Cong. Nene, yung Mindoro Island Mining-Free Zone Act, na nakapasa na sa Congress at ngayon ay tatalakayin na sa Senado na magiging โ€˜mining-free zoneโ€™ ang buong isla ng Mindoro. Ito ay consistent sa wishes, aspirations, objectives, and the vision of all the LGUs in the island of Mindoro,โ€™ aniya.

Ganun pa man, nakakalungkot din aniya na muli ay nabuksan o binuksan na naman ng national government ang aplikasyon para sa pagmimina sa Pilipinas.

โ€˜Nakakalungkot ano. Noong March 2021, pumirma ang Pang. Duterte ng Executive Order No. 130 na kung saan naglalayon na buksan na naman ang lahat ng aplikasyon ng pagmimina sa buong bansa. Tinapos na niya yung โ€˜mining application moratoriumโ€™ na yun ang kayang itinatag noong simula ng kanyang term. Nakakalungkot na noong paalis na sya, binawi nya at gustong bigyang paraan na naman ang ganitong mapanirang activities sa mga magagandang lugar natin, mga isla at kabundukan,’ paliwanag pa niya.




Leave a comment