PUNTO MINDORO | 2MW Paluan Solar Power Farm, pinasinayaan

March 12, 2018 | Punto Mindoro

Sa pangunguna ng nagkakaisang liderato ng Occidental Mindoro at sa pamumuno ni Cong. Josephine Ramirez-Sato, opisyal nang pinasinayaan ang solar power farm sa bayan ng Paluan, March 11.

Kasama sina Gov. Gene Mendiola, Vice Gov. Peter Alfaro, Mayor Babu Pangilinan at Vice Mayor Michael Diaz ng bayang ng Paluan, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, masaya ding sinalubong ang pagdating ni Sen. Loren Legarda na panauhing pandangal ng okasyon.

solar power panel in paluan occidental mindoro cong nene sato gov gene mendiola vice gov peter alfaro sangguniang panlalawigan occidental mindoro 6
Sen. Loren Legarda na nakiisa sa pagbibigay liwanag sa bayan ng Paluan.

Ang nasabing proyekto ay gawa ng SOLAR PHILIPPINES Power Project Holdings, Inc. na pinamumunuan ni G. Leandro L. Leviste. Mayroon itong kapasidad na 2-MW.

solar power panel in paluan occidental mindoro cong nene sato gov gene mendiola vice gov peter alfaro sangguniang panlalawigan occidental mindoro 2
Ang solar battery farm sa bayan ng Paluan.

Sa isang panayam, ayon kay G. Leviste na dumalo rin sa pasinaya, ang proyektong ito sa Paluan ay ang “largest island solar-battery micro-grid” sa buong mundo na may kakayanang magbigay ng kuryente sa halos 20,000 konsumidores. Magreresulta din ito ng halos P20billion halaga ng matitipid na diesel na siyang ginagamit sa paggawa ng kuryente.

solar power panel in paluan occidental mindoro cong nene sato gov gene mendiola vice gov peter alfaro sangguniang panlalawigan occidental mindoro 5
Solar Philippines President Mr. Leandro Leviste.

Dagdag pa ni G. Leviste, ang proyekto ay bahagi ng kanilang programa na makapaghatid ng kuryente sa mga bayanĀ “so remote it had been deemed unviable by even the electric coopā€. Aabot din umano sa P2.99 per kilowatt hour ang halaga ng kanilang kuryente.

Ayon naman sa Sangguniang Panlalawigan, ang produksyon ng kuryente ng nasabing proyekto ay higit pa sa 500-kilowatts na pangangailangan ng bayan ng Paluan. Kung kaya’t maari pang maibahagi o mabigyan din ng supply ng kuryente ang karatig bayan ng Mamburao. Bababa rin umano ng halos 50% ang halaga ng kuryente sa kalaunan.

solar power panel in paluan occidental mindoro cong nene sato gov gene mendiola vice gov peter alfaro sangguniang panlalawigan occidental mindoro 8
Vice Gov. Peter Alfaro, Bokal Abe S. Pangilinan at Bokal Mcking Legaspi habang hinihintay ang pagdating ng mga bisita.Ā 

Sinimulan ng Solar Philippines ang proyektong ito noong September 2017 kasunod at matapos ang pagpapasinaya din sa 800-MW solar panel factory sa Batangas noong August 2017.

solar power panel in paluan occidental mindoro cong nene sato gov gene mendiola vice gov peter alfaro sangguniang panlalawigan occidental mindoro 1solar power panel in paluan occidental mindoro cong nene sato gov gene mendiola vice gov peter alfaro sangguniang panlalawigan occidental mindoro 3solar power panel in paluan occidental mindoro cong nene sato gov gene mendiola vice gov peter alfaro sangguniang panlalawigan occidental mindoro 7

Related articles:

__________

Photos and info courtesy of SP OccMin

 

 

 

 

Leave a comment